IATF, naglabas ng guidelines para sa sports activities sa Alert Level 1 areas

By Jan Escosio June 06, 2022 - 03:16 PM

PCOO photo

Nagpalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng paalala ukol sa guidelines sa pagsasagawa ng sports activities sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Ang abiso ay inilabas sa pamamagitan ng Department of Health (DOH).

Base sa abiso ang sports activities, pinapayagan sa mga lugar na nasa Alert Level 1 bagamat kinakailangan ang mahigpit na pagsunod sa protocols at guidelines.

Partikular na ipinaalala ang pagsusuot ng mask sa indoor at outdoor activities, maliban na lamang kung kakain o maglalaro.

Ipinaalala din sa mga establisyemento ang tamang pagtatapon ng mga personal protective equipment (PPE).

Gayundin, kinakailangan na ang mga may edad 18 pataas ay magpapakita ng patunay na sila ay fully vaccinated bago makakapasok sa anumang establisyemento, kasama na sa fitness studios, gyms at iba pang exercise and sports venues.

TAGS: alert level 1, doh, IATF, InquirerNews, RadyoInquirerNews, sports activities, alert level 1, doh, IATF, InquirerNews, RadyoInquirerNews, sports activities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.