Special exams sa mga nais maging guro, inihirit ni Sen. Marcos
Hiniling ni Senator Imee Marcos ang pagsasagawa ng special exams para sa mga nagtapos ng kursong Education at hindi maaring makakuha ng Licensure Examinations for Professional Teachers (LEPT) sa buwan ng Hunyo at sa Setyembre.
Ayon kay Marcos, higit isang taon na ang nakakalipas nang ipanawanagan niya ang pagsasagawa ng online LEPT ngunit walang kumilos sa Professional Regulation Commission (PRC).
“The PRC and Civil Service Commission should now work double-time to hold special exams for 2021 and 2022 graduates, instead of letting them wait until March 2023. An online version of the LEPT should also be done as soon possible,” aniya.
Diin pa ng namumuno sa Senate Committeeon Economic Affairs, napakahalaga na marami ang dapat na makapagtrabaho ngunit aniya, nagsisilbi pang balakid ang PRC dahil sa desisyon na tanging ang mga Education courses graduates na nagtapos hanggang noong 2020 ang maari lang kumuha ng LEPT.
Dagdag pa ni Marcos, ang iba pang professional regulatory boards at Career Executive Service Board ay nakapagkasa na ng online exams at maari itong sundan sa pagkasa ng LEPT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.