Limang direktor ng ARTA sinuspinde ng Ombudsman sa maling pagpabor sa disqualified third telco bidder
June 05, 2022 - 03:04 PM
Anim na buwang suspendido ngayon ang limang direktor ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na sina Jeremiah Belgica, Eduardo Bringas, Sheryl Sumagui, Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Asperin dahil sa kanilang mga kinakaharap na kasong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Sa Order na inilabas ng Office of the Ombudsman, sinabi nito na: “The evidence on record shows that the guilt of respondents Jeremia Belgica, Eduardo Bringas, Sheryl Pura Sumagui, Jedreck Ng and Melamy Salvadora-Asperin is strong and the charges against them involve Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service which may warrant removal from the service.”
Ayon sa Ombudsman, maaari umanong umabot sa pagkakatanggal sa serbisyo ang maling pagpabor ng mga direktor ng ARTA sa NOW Telecom Company, Inc. (NOW).
Ang kanilang inisyu na Resolution at Order of Automatic Approval na nagbibigay ng Contingent Frequencies pabor sa NOW noong March 1, 2021 ay ebidensya umano ng kanilang matinding paglabag.
Napabalita noon ang NOW sa kasagsagan ng pagpili ng third telco dahil bigo itong maging bidder dahil sa kulang-kulang na requirement.
Ang pilit na ibinibigay ng ARTA kay NOW na mga frequency ay siya ring mga parehong frequency na nakalaan na sa napiling third telco na DITO Telecommunity Inc.
Maaari rin silang pagmultahin ng Ombudsman katumbas ng kanilang sweldo sa ARTA sa loob anim na buwan ngayong patapos na rin ang kanilang mga termino.
Layunin ng nasabing preventive suspension na maiwasan ang harrasment sa mga posibleng witness sa kanilang mga paglabag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.