Pilipinas balak mag-angkat ng bigas sa India

By Chona Yu June 04, 2022 - 02:01 PM

FILE PHOTO

Ikinukunsidera ng Department of Agriculture ang bansang India na maaring mapag-angkatan ng bigas sakaling magtaas ng presyo at magpatupad ng rice cartel ang ibang kalapit na bansa sa Southeast Asia.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, nagpalabas na ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbaba sa taripa ng imported na bigas sa India.

Mula sa 50 percent, ibinaba ito sa 35 percent ang taripa.

Una rito, inanunsyo ng Thailand na nakipagkasundo na sila sa Vietnam para taasan ang production costs ng bigas.

Ang Vietnam at Thailand ang bumubuo sa 10 percent rice supply sa buong mundo.

 

TAGS: Bigas, import, India, news, Pilipinas, Radyo Inquirer, Undersecretary Fermin Adriano, Bigas, import, India, news, Pilipinas, Radyo Inquirer, Undersecretary Fermin Adriano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.