WATCH: Libreng Sakay Program, aabot sa pagpasok ng administrasyong-PBBM

By Jan Escosio June 03, 2022 - 06:28 PM

Pinabulaanan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III ang impormasyon na magtatapos na sa darating na Hunyo 10 ang Service Contracting Program.

Iginiit ni Delgra na nakakatiyak siya na hihigit sa pagtatapos ng Hunyo ang naturang programa na nagbibigay ng libreng sakay.

Paliwanag nito, may nakalaang P7 bilyon para sa pagpapatupad ng naturang programa sa taong 2022 at aniya, gagamitin ito hanggang sa maubos.

Tiwala si Delgra na itutuloy ang programa ng susunod na administrasyon.

Ani Delgra:

Magugunitang sinimulang ikasa ang Phase 3 ng naturang programa noong nakaraang Abril.

Samantala, nabanggit ni Delgra na may pagdinig sa mga petisyon ukol sa taas-pasahe sa hunyo at nagpasabi na ang mga naghain na magsusumite sila ng mga karagdagang ebidensiya.

Narito ang pahayag ni Delgra:

TAGS: InquirerNews, ltfrb, MartinDelgraIII, RadyoInquirerNews, Service Contracting Program, InquirerNews, ltfrb, MartinDelgraIII, RadyoInquirerNews, Service Contracting Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.