P5.1-M halaga ng shabu, nasamsam sa Pasay

By Chona Yu June 03, 2022 - 06:11 PM

Aabot sa P5.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) mula sa dalawang suspek matapos ang isinagawang operasyon sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ayon sa BOC, nakalagay ang ilegal na droga sa package at idineklarang “Bateria, Musical, Dulces” na isang set ng drum set na laruan.

Ayon sa BOC, galing sa Mexico ang shipment at dumating sa bansa noong Mayo 30,2022.

Kinuha ng consignee na taga-Cainta, Rizal ang kargamento kasama ang isa pang kaibigan na residente umano ng San Juan City.

Gayunman, hindi na pinaporma ang dalawa ng BOC at PDEA at agad na inaresto matapos mabatid na shabu ang laman ng kargamento.

Nasa 750 gramo ng shabu ang nakalagay sa laruan.

Kakasuhan ang dalawa sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act A 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

TAGS: BOC, InquirerNews, PDEA, RadyoInquirerNews, shabu, BOC, InquirerNews, PDEA, RadyoInquirerNews, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.