Dalawa katao ang nag-positibo sa COVID-19 Omicron sub-variant BA.5.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, galing sa Central Luzon ang dalawang nag-positibo.
Ayon kay Vergeire, walang travel history ang dalawa.
Pawang mga fully vaccinated na at may booster shots na ang dalawa laban sa COVID-19.
Bukod sa BA.5 variant, na-detect na rin ng DOH sa bansa ang Omicron sub-variant na BA.4 at BA.2.12.1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.