Mga puno na ‘biktima’ ng eleksyon gagamutin ng DENR
Magsasagawa ng ‘search and rescue operations’ ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga puno na napinsala ng nagdaang eleksyon.
Ayon acting Secretary Jim Sampulna ang mga hahanapin nilang mga puno ay ang mga pinakuan ng mga campaign materials.
Paliwanag niya napakahalaga na mabigyan ng sapat na atensyon ang mga naturang puno para maiwasan ang impeksyon at hindi maayos na paglaki.
Dagdag pa ni Sampulna posibleng mamatay o bumagsak kapag may malakas na bagyo ang mga puno kapag hindi ‘nagamot.’
Nabatid na may sariling pagpapatupad ng ‘Oplan Baklas’ ang kagawaran sa pamamagitan ng opisina ni Undersecretary for Field Operations Juan Miguel Cuna.
Ilang araw bago ang halalan, 114,664 piraso na ng campaign materials na ipinako sa mga puno ang inalis ng DENR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.