Pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima inihirit ni Sen. Ralph Recto kay PBBM
Sa pagtatapos ng 18th Congress, ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa papasok na administrasyong-Bongbong Marcos Jr., ang pagpapalaya kay Senator Leila de Lima.
Isinalarawan ni Recto si de Lima na isang babae na matapang at dapat ay inirerespeto.
Ginawa nito ang panawagan sa kanyang farewell speech at parangal sa mga kapwa ‘graduating senators.’
“Another feisty lady worthy of our respect is Leila de Lima, a prisoner of conscience, punished for her courage, but whose spirit no prison walls could contain,” diin ng senador.
Dagdag pa ni Recto; “Trolls put her behind bars. The truth shall set her free. Mr. President-elect, free Leila.”
Limang taon nang nakakulong sa Camp Crame si de Lima dahil sa mga isinampang drug cases sa kanya ng DOJ.
Isa sa mga kaso ang naibasura na ng korte at tatlo na sa mga tumestigo laban sa kanya ang sunod-sunod na nagsabing tinakot lamang sila para idiin ang senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.