Hapag Movement inilunsad para sa 500,000nagugutom na Filipino

By Jan Escosio June 02, 2022 - 07:00 AM

Sinimulan kamakailan ng Globe ang ‘The Hapag Movement,’ na layong suportahan ang 100,000 mahihirap na pamilyang Filipino.

Ang bilang ay may katumbas na 500,000 indibiduwal, na nais ng Globe na maiangat ang buhay at mabawasan ang insidente ng pagkagutom sa bansa.

Sa ilalim ng programa, gagamitin ng kompaniya ang mga kontribusyon mula sa ibat-ibang partner networks at orgamisasyon para sa pagtugon sa ‘hunger crisis’ sa bansa na nakakaapekto sa 15 milyong Filipino, base sa huling ulat ng Social Weather Stations.

Ang pagtaas ng bilang ng mga nagugutom na Filipino ay bunga ng pagdami ng mga walang trabaho, na umabot na sa 3.13 milyon sa bansa, dahil sa pandemya.

“This program is anchored on the company’s ecosystem of relevant services and products that enable Filipinos to uplift their lives and those around them. We encourage our customers and partners to help put food on the table of families in need by donating through GCash or using their Globe reward points,” sabi ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.

Ang Hapag Movement ay bahagi ng Globe of Good program, na ang layon ay maibsan ang kagutuman sa bansa at magbigay ng kabuhayan sa maraming pamilyang Filipino.

Ito ay isinasagawa sa pakikipagtulungan sa Ayala Foundation, Tzi Chi Foundation Phils at Caritas Philippines.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.