PCG, hindi yuyuko sa ibinabalang fishing ban ng China sa WPS

By Chona Yu June 01, 2022 - 05:57 PM

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Hindi yuyuko ang Philippine Coast Guard (PCG) sa fishing ban na ibinabala ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, hinihikayat ng kanilang hanay ang mga Filipinong mangingisda na patuloy na pumalaot at mangisda.

Ginagarantiya ni Abu sa mga mangingisda na nagbabantay ang Task Force West Philippine Sea sa lugar.

Malaya naman aniyang mangisda ang mga Filipino sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.

Ang pahayag ni Abu ay sa kabila ng ipinatutupad na fishing ban ng China sa South China Sea simula noong Mayo 1.

Pero ang ban na ito ng China umabot umano hanggang sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa ngayon, wala pa naman umanong natatanggap na report ang PCG kaugnay sa harassment sa mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea.

TAGS: ArtemioAbu, China, fishingban, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, West Philippines sea, WPSissue, ArtemioAbu, China, fishingban, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, West Philippines sea, WPSissue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.