WATCH: Apat na opisyal ng MV Happy Hiro, kinasuhan ng homicide
Sinampahan na ng kasong homicide ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na opisyal ng MV Happy Hiro na nakabangga sa fishing vessel ng mga Pinoy sa karagatan ng Agutaya, Palawan.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, kabilang sa mga kinasuhan sina Amir Meshay na isang Croatian at kapitan ng barko na MV Happy Hiro, Second Mate Bogdan George Antonie na isang Romanian at mga Filipino crew na sina Tyrone Albina Maquiling at Mckinley Panuncialman Amante.
WATCH: Sinampahan na ng kasong homicide ng @coastguardph ang apat na opisyal ng MV Happy Hiro na nakabangga sa fishing vessel ng mga Pinoy sa karagatan ng Agutaya, Palawan – PCG Commandant Admiral Artemio Abu | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/Stngo8LRaj
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 1, 2022
Ayon kay Abu, kabilang sa mga isinampang reklamo sa Antique Prosecutors Office ay Reckless imprudence resulting in multiple homicide; multiple injuries; at damage to properties.
13 crew na Filipino ang nakaligtas habang pito ang nawawala nang banggain ang sinasakyang fishing vessel ng MV Happy Hiro na galing ng Marshall Islands at patungo sana ng Australia.
Nangyari ang aksidente noong Mayo 28.
Ayon kay Abu, itinigil na ng PCG ang search and rescue operations at pinalitan ng search and retrieval operation.
WATCH: Itinigil na ng @coastguardph ang search and rescue operations at pinalitan ng search and retrieval operation – PCG Commandant Admiral Artemio Abu | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/w3U5gxaY0Z
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 1, 2022
Kinasuhan ang mga crew ng MV Happy Hiro matapos ang ginawang joint investigation ng PCG at Maritime Industry Authority at makitaan ng mga ebidensya sa katawan ng barko na bumangga talaga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.