Gov’t officials na isinasangkot sa ‘agri-products smuggling’ kikilalanin ni SP Sotto
Inaasahang isusumite ni Senate President Vicente Sotto III ang ulat ukol sa isinagawang pagdinig ng Committee of the Whole ukol sa smuggling ng mga produktong agrikultural sa araw ng Miyerkules, Hunyo 1.
Aniya, kikilalanin niya sa ulat ang anim na opisyal ng Department of Agriculture (DA) at anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa multi-billion large scale smuggling ng mga produktong agrikultural.
Nabanggit niya na 22 personalidad ang sangkot sa ilegal na aktibidad, na pumapatay sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Iginiit nito na nasasayang lamang ang inilalaan na pondo para mapigilan ang smuggling sa bansa.
Umaasa si Sotto na sa pagpapasok ng bagong administrasyon maayos na matutugunan ang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.