NPA member, patay sa engkwentro sa Albay

By Angellic Jordan May 30, 2022 - 04:23 PM

Nasawai ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Albay noong Sabado, Mayo 28.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 31st Infantry Battalion (31IB) ng Philippine Army sa ilalim ng 903rd Infantry Brigade at komunistang grupo sa bahagi ng Barangay Anislag sa Daraga.

Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok ng baril ng mga sundalo at rebelde.

Nakilala ang nasawi na si Antonio Abadiza, miyembro ng Komiteng Probinsya 3 ng NPA Bicol Regional Party Committee.

Narekober ng mga sundalo ang isang calibre .45 pistol at isang motorsiklo.

Nagsagawa naman ng pursuit operations ang mga miyembro ng 31IB laban sa mga nakatakas na NPA members.

Inalerto na rin ang mga kalapit na patrol bases upang maiwasan ang paghihiganti ng mga rebelde.

TAGS: 31st Infantry Battalion, AFP, Antonio Abadiza, InquirerNews, Komiteng Probinsya 3, NPA, NPA Bicol Regional Party Committee, Philippine Army, RadyoInquirerNews, 31st Infantry Battalion, AFP, Antonio Abadiza, InquirerNews, Komiteng Probinsya 3, NPA, NPA Bicol Regional Party Committee, Philippine Army, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.