Ambassadors ng Singapore, UK, France at EU nag-courtesy call kay PBBM
Tinanggap ni president-elect Bongbong Marcos Jr., sa kanyang tanggapan sa BBM Headquarters ang mga ambassadors ng Singapore, United Kingdom, France at European Union (EU).
Unang nag-courtesy call si Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho, sumunod si Ambassador Laure Beaufils ng UK.
Alas-11 nang dumating naman si European Union Ambassador Luc Veron at alas-12 ng tanghali ay sumunod naman si France Ambassador Michelle Boccoz.
Sa mga pribadong pulong, tiniyak ng mga banyagang opisyal na lubos pang pagtitibayin ang ugnayan ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas.
Bukod pa dito, napagkasunduan ang pagpapalawig ng mga iisang interes sa demokrasya at pagbangon ng ekonomiya.
Sa pagharap ni Ho sa mga mamamahayag matapos ang kanyang pulong kay Marcos, sinabi nito na ‘partners’ ang Singapore at Pilipinas sa pagpapanatili ng kaayusan, kaunlaran at kapayapaan sa rehiyon.
“We see a lot of growth potential in the Philippines and we hope to see more and more Singapore companies coming into the Philippine’s market,” ani Ho, na sinabing inimbitahan ni Singapore President si Marcos na bumisita sa kanilang bansa.
Samantala, ipinalagay naman ni Beaufils na naging produktibo ang pag-uusap nil ani Marcos.
“So, I am delighted that I just came out of the meeting the President-elect which was really useful, very informative and very warm. I was able to set out that the UK already has a strong bilateral relationshio with the Philippines and a strong friendship between our countries and between our people,” aniya.
Hindi naman na humarap sa mga mamamahayag sina Veron at Boccoz dahil may mga kasunod pa silang ‘commitments.’
Una nang magkakahiwalay na nag-courtesy call kay Marcos noong nakaraang linggo ang mga ambassadors ng Japan, South Korea, India at Chargé d’Affaires ng US.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.