Patay sa matinding pag-ulan sa Brazil umabot na sa 56

By Jan Escosio May 30, 2022 - 09:25 AM

Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga namatay dahil sa matinding pag-ulan sa Brazil, ayon sa kanilang Civil Defense Office.

Ayon sa mga opisyal nagdulot ng mga matitinding pagguho ng lupa at pagbaha sa Pernambuco State ang pag-ulan.

Base sa datos, 28 ang namatay dahil sa landslides at tinangay din ng pagbaha bunga ng pag-apaw ng mga ilog ang maraming imprastraktura.

Nabatid na sa tuwing humihina ang ulan ay sinasamantala naman ang pagsasagawa ng search and rescue operations para sa mga maaring nakaligtas.

May 56 pa ang napa-ulat na nawawala sa mga bayan ng Recife at Olinda

Sinabi ni Minister of Regional Development Daniel Ferreira may 1,200 sa kanilang mga tauhan ang nagsasagawa na ng search and rescue operations.

Aniya nagpapatupad na sila ng ‘self-protection measures’ para sa mga apektadong mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.