Pagbawi sa medical insurahce policy sa college students ikinatuwa ni Sen. Nancy Binay

By Jan Escosio May 30, 2022 - 08:26 AM

Pinasalamatan ni Senator Nancy Binay ang Inter Agency Task Force (IATF) at Commission on Higher Education (CHED) sa pagbawi sa medical insurance policy sa mga college students na lalahok sa face-to-face classes.

“Bawas perwisyo ito sa mga estudyante’t pamilya nila at reassuring din na nakikinig ang pamahalaan sa mga hinaing ng bayan,” sabi pa ng senadora.

Unang hinimok ni BInay ang gobyerno na ibasura ang polisiya sa katuwiran na hindi na ito kailangan dahil awtomatiko na ang bawat Filipino ay miyembro na ng Philhealth.

“Dapat ang requirement, simpleng vaxx card lang. Sinasabi ng iba, isang pindot lang ng app at magbayad ka ng P500, may insurance ka na. May mali eh. Bakit kailangan papahirapan ang estudyante at magulang? Supposedly libre na nga dahil lahat covered ng Philhealth,” unang pangangatuwiran ni Binay.

Nakasad sa RA No. 11223 o ang Universal Health Care Law na ang lahat ng Filipino ay awtomatikong kabilang sa National Health Insurance Program ng Philhealth.

Noong nakaraang Marso, pumayag ang IATF ng in-person classes sa mga unibersidad at kolehiyo, na nasa mga lugar na umiiral ang Alert Level 1.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.