Senador Bong Go saludo sa mga atletang lumahok sa SEA Games
By Chona Yu May 28, 2022 - 07:07 PM
Pinapurihan ni Senator Bong Go ang Team Philippines para sa karangalang inuwi nila sa bansa mula sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kamakailan.
Nakapaghakot ng kabuuang 227 na medalya ang mga atletang Pilipino sa naturang regional meet para makamit ang ikaapat na pwesto sa medal tally. Nakakuha ang Philippine delegation ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals.
“Taos puso ang aking pasasalamat sa lahat ng mga atletang Pilipino na nagbigay ng karangalan sa ating bayan,” saad ni Go.
“Isang mataas na pagsaludo din sa lahat ng mga manlalaro natin, sa kanilang mga coaches at mga trainors na naghanda sa mahabang panahon para sa palarong ito,” dagdag pa niya.
Samantala, bilang Chair of the Senate Sports Committee, tiniyak ng senador na patuloy niyang ipaglalaban at isusulong ang kapakanan ng mga atletang Pilipino.
Ani Go, “Ako naman bilang Committee Chair sa Sports, alam niyo naman parati kong isinusulong, ako po nakikipaglaban para sa kanila, sa budget nila na dadagdagan po ‘yung pondo kada taon at ipalalaban ko po ang ating mga atleta.”
Pangako niya, “Hindi po ako titigil sa pagpu-push po ng tulong, full support po ako sa ating mga atleta. And in fact, willing po ako magpagitna sa kanila kung may mga away diyan or hindi pagkakaintindihan. Willing po ako magpagtina sa kanila. Karangalan po ng ating mga kababayan ang nakataya po dito.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.