P7.3-B nakolekta ng Customs Bureau sa imported na bigas

By Jan Escosio May 27, 2022 - 02:42 PM

Umabot na sa P7.35 bilyon ang nakolektang buwis ng Bureau of Customs (BOC) mula sa inangkat na bigas mula noong unang araw ng Enero hanggang nitong nakalipas na Mayo 13.

Ang nakolektang buwis ay 18.6 porsiyentong mas mataas kumpara sa nakolektang P6.2 bilyon sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Iniulat kay Finance Sec. Carlos Dominguez III ni Customs Comm. Rey Guerrero na mula sa nabanggit na panahon, 1.26 milyong metriko tonelada ng imported rice ang pumasok sa bansa.

Ito aniya ay mas mataas ng 43.3 porsiyento sa na nakolekta noong Enero hanggang Mayo 2021.

Basa sa RA 11203 o ang Rice Tariffication Law, ang sobra sa P10 bilyong makokolekta mula sa taripa ng imported rice ay ilalagay naman sa Rice Competitiveness Enhancement Fund para sa Rice Farmer Financial Assistance.

TAGS: Bureau of Customs, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Bureau of Customs, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.