Higit P108-M halaga ng marijuana winasak ng PDEA

By Jan Escosio May 26, 2022 - 11:08 AM

PDEA PHOTO

Umabot sa higit P108.67 milyong halaga ng kumpiskadong marijuana ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pasilidad sa Bacnotan, La Union.

Nabatid na P29.3 milyong halaga ng marijuana na nakumpiska ng PDEA Regional Office 1 at P79.3 milyon halaga ng droga nakumpiska ng PDEA – Cordillera Office ang sumailalim sa  ‘thermal destruction’ sa Geocycle facility ng Holcim Phils. Inc.

Nagsilbing panauhing-pandangal si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at kabilang naman sa mga dumalo sina Judge Mervin Jovito Samadan ng Dagupan City RTC; Atty. Cris AlvinTadeo, ng DOJ – Region 1; Atty. Gilbert Hufana, PAO at mga kinatawan ng ibat-ibang sektor.

Pinasalamatan ni RD Ronald Ricardo ang ibat-ibang korte dahil sa mabilis na prosekusyon at disposisyon ng mga drug-cases.

Ang pagwasak ng mga droga ay alinsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.