Bawas VAT rate, alis VAT exemptions daan sa pagkita ng gobyerno – Lacson

By Jan Escosio May 26, 2022 - 10:15 AM

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may paraan para kumita ang gobyerno nang hindi bumibigat ang pasanin ng mga ordinaryong mamamayan.

Ito, ayon kay Lacson, ay sa pamamagitan nang pagpapababa sa value-added tax (VAT) kasabay nang pag-alis sa VAT exemptions sa ilang sektor.

Aniya noon pang 2018 niya isinusulong ang naturang formula, na sa kanyang pagtatantiya ay magbibigay ng karagdagang P117 bilyon kada taon sa koleksyon sa buwis kahit ibaba sa 10% ang kasalukuyang 12% VAT.

Sinabi ng senador, 78 sektor  sa 143 may tax exemptions ang maaring alisan ng tax exemptions ay ito ang sa enerhiya, kooperatiba, pabahay at economic zones.

Ginawa ni Lacson ang pahayag base sa mga ulat binabalak ng susunod na administrasyon na alisin ang VAT exemptions para sa karagdagang kita na P142.5 bilyon kada taon.

Ang karagdagang kita ay sinasabing ipambabayad ng utang ng gobyerno.

“If we managed to broaded the tax base four years ago, imagine how much more revenue we could be generating now,” sabi pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.