Ibinahagi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pitong online sabong operations ang isinara ng pambansang pulisya.
Ayon kay DILG USec. Jonathan Malaya, ang PNP – Anti Cybercrime Group ang nakadiskubre sa e-sabong operations at may ibang websites ang iniimbestigahan.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng kagawaran inaalam na ang administrators ng websites para sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.
“These criminals thrive on the anonymity of the internet and they are taking advantage of this but the PNP together with our colleagues from the NBI will not resr until they have been unmasked,” sabi pa ni Malaya.
Aniya may 12 websites at walong social media platforms ang binabantayan ng PNP – ACG at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Information (DICT) para maisara ang mga ito.
Sinabi pa ni Malaya na dalawa lamang sa 12 websites ang rehistrado sa bansa at ang iba ay sa ibang bansa.
Nadiskubre din ang ilang Facebook pages at groups na sumusuporta sa ilegal na e-sabong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.