Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makapagsilbi sa bansa.
“In a few days, I’ll be out. I — ‘yung nagawa ko, para sa akin, iyon na ‘yun. The best that my efforts can really achieve,” saad ng Punong Ehekutibo sa inagurasyon ng bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Head Office Building sa Pasig City, Lunes ng hapon.
Humingi ng paumanhin ang pangulo sa mga indibiduwal na nakulangan sa kaniyang nagawa bilang pinuno ng bansa.
“Kung kulang pa ‘yun, pasensiya na po, ‘yun hindi ko na talaga kaya,” ani Duterte.
Hindi aniya sapat ang anim na taong termino upang matapos ang lahat ng proyekto.
Pahayag nito, “The things that I failed to do mostly not because of negligence or may mga shortcomings ako but talagang time, I said, the six years would not be enough to finish all the projects.”
Nagpasalamat din ang pangulo sa lahat ng nakasama at maging sa publiko para sa pagbibigay ng pagkakataong makapaglingkod sa bansa.
“Maraming salamat po sa inyo and your help in my journey in the six years na binigyan ninyo ako ng honor maging Presidente ng Pilipinas,” ayon pa sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.