Medical, burial assistance ng OVP ihihinto muna simula sa Hunyo 1

By Angellic Jordan May 23, 2022 - 08:14 PM

Photo credit: Office of the Vice President of the Philippines/Facebook

Inanunsiyo ng Office of the Vice President (OVP) na pansamantalang ihihinto ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa medical at burial assistance simula sa Hunyo 1, 2022.

Paliwanag ng OVP, ito ay bilang paghahanda sa pagpasok ng susunod na administrasyon.

Layon anila na maging maayos ang transition at turnover ng programa kay presumptive vice president Sara Duterte-Carpio.

“Makakaasa po kayong babalikan kayo agad ng Tanggapan para sa mga updates ukol dito,” saad nito.

Nagpasalamat naman ang OVP sa mga nagtiwala sa kanilang tanggapan.

TAGS: BurialAssistance, InquirerNews, Leni Robredo, MedicalAssistance, OVP, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, BurialAssistance, InquirerNews, Leni Robredo, MedicalAssistance, OVP, RadyoInquirerNews, SaraDuterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.