Jinggoy, gustong makalabas ng piitan upang mag-empake sa Senado
Muling humihiling ang kampo ni Sen. Jinggoy Estrada na pansamantalang makalabas ng kanyang detention cell sa Camp Crame.
Sa pagkakataong ito, idinahilan ng senador na kailangan niyang mag alsa-balutan na ng kanyang mga gamit sa Senado dahil malapit nang magtapos ang kanyang termino.
Sa kanyang mosyon na inihaint sa 5th Division ng Sandiganbayan, sinabi nito na nais niyang personal na pangunahan ang pag-aalis ng kanyang personal na gamit mula sa kanyang opisina sa senado.
Ito aniya ay upang hindi maihalo sa kanyang iuuwing personal na kagamitan ang mga pag-aari ng Senado na iti-turn-over sa Senate custodian.
Apat na araw aniya ang kakailanganin bago matapos ang naturang proseso.
Kaya dahil dito, nais ng senador na pansamantalang mabigyan ng ‘furlough’ mula May 30 hanggang June 2 sa pagitan ng 10:00 AM hanggang 6:00 PM.
Si Estrada ay nakakulong sa kasong plunder at graft dahil sa umano’y 183 milyong pisong kickback umano mula sa kanyang pork barrel funds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.