Higit P.5-B halaga ng mga pekeng produkto huli sa BOC

By Jan Escosio May 20, 2022 - 09:37 PM

Natunton ng mga ahente ng Bureau of Customs – Investigation and Intelligence Service ang may P590 milyong halaga ng mga pekeng produkto sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa BOC, noong Mayo 10 ikinasa ang operasyon sa Maclane Storage Facility sa Niog Road katuwang ang AFP.

Kabilang sa mga nakumpiskang pekeng gamit ay may tatak na Nike, Adidas, Lacoste, Dickies at iba pa.

Nadiskubre din sa mga sinalakay na bodega ang mga construction supplies, power tools, marine communication and telecommunication devices at mga pagkain.

Bukod dito, may dalawa pang container vans ang nadiskubre na punong-puno ng mga pekeng produkto.

Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kaso alinsunod sa Intellectual Property Code at Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.