Naitala ang pagtaas na 19 porsiyento ng COVID 19 cases sa Kalakhang Maynila sa nakalipas na pitong araw o isang linggo.
Ayon sa OCTA Research ang pagtaas ay naitala mula noong Mayo 13 hanggang kahapon, Mayo 19.
Sinabi ni OCTA fellow, Dr. Guido David, ay 71 kaso kumpara sa naitalang 59 noong Mayo 6 hanggang Mayo 12.
Ngunit sinabi nito nananatiling nasa ‘low risk’ ang Kalakhang Maynila hanggang kahapon.
“The one-week average daily attack rate increased from 0.42 to 0.50, but remained very low. The reproduction number increased to 0.90 (moderate risk level) from 0.76 (low risk level),” ani David.
Dagdag pa niya, nananatili naman sa 1.2 percent and positivity rate sa 11,476 average tests na naisasagawa kada araw.
Nanatili din sa 22 porsiyento ang hospital care utilization rate.
Noong Martes, kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng Omicron subvariant, na sinasabing mas mabilis maihawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.