Taas presyo sa mga pangunahing bilihin, aprubado ng DTI
May basbas ng Department of Trade and Industry ang pagtataas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na nasa dalawa hanggang 10 porsyento ang itataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kabilang sa mga tataas ang presyo ang kape, bottled water, mga de lata, at processed milk.
Nasa 82 produkto na nasa suggested retail price bulletin ang pinapayagan na magtaas ng presyo.
Ayon kay Castelo, ang pagtaas ng presyo ng raw materials ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi pa ni Castelo na nakaapekto rin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.