Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 523.77 milyon na
Pumalo na sa 523.77 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 523,776,507 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 84,473,077 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,127,032 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,728,286 naman ang kaso sa Brazil habang 29,233,309 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 25,892,255
– United Kingdom – 22,207,102
– Russia – 18,268,958
– South Korea – 17,830,429
– Italy – 17,116,550
– Turkey – 15,057,184
– Spain – 12,179,234
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,292,428 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 493,635,569 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.