Batas na magbibigay ng buwanang honorarium sa mga miyembro ng SK, pirmado na

By Chona Yu May 17, 2022 - 04:52 PM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11768 na magbibigay ng buwanang honorarium sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Sa ilalim ng batas, ang SK chairman ay bibigyan ng parehong pribilehiyong tinatanggap ng iba pang sangguniang barangay officials.

Tatanggap din ang Sangguniang Kabataan members, treasurers, at secretary ng honorarium kada buwan na huhugutin sa Sangguniang Kabataan funds at hindi sosobra sa buwanang kompensasyon na tinatanggap ng kanilang chairperson.

pwede ring magbigay ng dagdag na honorarium ang local na pamahalaan gayundin ng social welfare contributions at hazard pay sa sangguniang kabataan chairperson at elected at appointed members sa pamamgitan ng kanilang sariling local na ordinansa at subject sa post audit jurisdiction ng coa.

Pwede rin silang magsagawa ng fund raising activities na nakalinya sa comprehensive barangay youth development plan kung saan ang kikitain ay walang ibabawas na buwis, at ilalaan sa general fund ng sangguniang kabataan.

Ang Sangguniang Kabataan chairperson ang magtatalaga ng treasurer na may career background na may kaugnayan sa business administration, accountancy, finance, economics, o bookkeeping at kailangang sumailalim sa mandatory bookkeeping training ng TESDA bago ito umupo sa pwesto.

Kabilang naman sa pribilehiyo ng lahat ng mga opisyal ng sangguniang kabataan ay ang pagiging exempted nila sa pagkuha ng National Service Training Program (NSTP).

Pwede silang magliban sa pagdalo ng kanilang regular na klase kung sila man ay pumapasok, kapag dadalo sa regular or special sangguniang kabataan meetings, at sangguniang barangay sessions basta magsumite lamang sa concerned faculty member at dean ng pinapasukan nilang eskwelahan o unibersidad ng certification of attendance na inisyu ng Sangguniang Kabataan secretary at noted ng punong barangay bilang patunay ng kanilang attendance.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, Republic Act 11768, sangguniang kabataan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Republic Act 11768, sangguniang kabataan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.