10 taong validity ng lisensya ng baril, aprubado na ni Pangulong Duterte
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bagong batas na nagpapalawig sa validity ng lisensya ng pagdadala ng armas.
Ayon sa Republic Act 11766, sa halip na dalawang taon, tatagal na ng hanggang lima hanggang 10 na taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.
Pinalalawig din ng batas ang registration ng baril mula sa apat na taon ay magiging lima hanggang 10 na taon na.
Nakabatay ang renewal ng lisensya sa birthdate ng isang licensee.
Sakaling mabigo ang licensee na makapag-renew ng lisensya ng dalawang beses, madi-disqaulify na ito sa pag-apply ng lisensya.
Exempted naman sa batas ang mga elected officials pati na ang mga active at retired military at law enforcement personnel.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas noong Mayo 6, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.