Naging maingay ang isinagawang ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago nitong Sabado, May 14,2022, na sinamahan ng mahigit-kumulang isang libong taga-suporta.
Matapos ang naturang motorcade nakaaantig ang kabilat-kanang naging pahayag ng marami mga Manilenyo. Sa puso nila, si Atty. Alex ang kanilang mayor.
Marami sa mga botante sa Maynila ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging resulta ng halalan at naniniwala silang si Atty. Alex Lopez ang talagang nanalo bilang alkalde ng Maynila.
Unti-unting dumadami ang nananawagan mula sa iba’t-ibang sektor na ipaglaban ang pagkapanalo ni Atty. Alex. Naniniwala sila na dinaya sila dahil marami umanong nilabag na batas ang kabilang kampo noong nakaraang halalaan.
Ayon sa isang eksperto, “statistically improbable” daw ang resulta ng halalan sa Maynila. Marami rin barangay ang nagtataka kung paano nangyari ang bilangan, kung saan umasa sila na mananalo si Atty. Alex Lopez dahil halos silang lahat bumoto pero lima (5) lang daw ang lumabas sa election returns. At maraming insidente ng bilihan ng boto ang nangyari.
Ayon sa mga saksi nagkaroon ng bigayan ng pera at nakunan pa ito ng larawan at video.
Hindi maitatanngi na kaliwa’t kanan ang mga isyung hinaharap nila Lacuna at Moreno bago mag-halalan, nariyan ang illegal na pagbenta ng Divisoria public market, overpricing sa mga food packs, pagkakaantala ng seniors amelioration at iba pa.
Hindi malayo na gagawin nila ang lahat para makatakas sa responsibilidad at maprotektahan ang kanilang mga sariling interes.
Sinabi pa ng mga saksi, hindi nila kayang manahimik na lang at hayaang manaig ang kasakiman ng mga kasalukuyang administrasyon ng lungsod ng Maynila.
Naging maugong na ngayon ang panawagan at kahiilingang ng mga Manilenyo na magkaroon ng panibagong halalan upang ipakita sa buong Pilipinas kung sino talaga ang tunay na nanalong Alkalde ng Maynila, at walang iba kung hindi si Atty. Alex Lopez.
Naniniwala ang mga Manilenyo na may naganap na ‘failure of election’ sa Maynila, dahil sa malawakang dayaan.
Nitong Martes, nanawagan ang lahat ng partido kay Atty. Alex Lopez na maghain ng reklamo sa Comelec dahil sa malawakang dayaang naganap noong nakaraang lokal na eleksyon.
Hanggang ngayon, hinihintay ng taumbayan ang susunod na hakbang ni Atty. Alex Lopez at umaasa silang agaran din gagawan ng kaukulang aksyon ang Comelec sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.