PNP ipinaalala na epektibo ang gun ban hanggang Hunyo 8

By Jan Escosio May 17, 2022 - 09:03 AM

(Inquirer photo)

Pinaalahanan ng pambansang pulisya ang publiko na iiral ang election gun ban hanggang sa darating na Hunyo 8.

Sa datos na inilabas ng PNP hanggang kahapon, kabuuang 3,273 na ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban at 3,167 sa kanila ay sibilyan, 61 security guards, 23 pulis at 22 sundalo.

Nabatid din na sa 3,068 police operations, 2,535 ibat-ibang uri ng baril ang ang nakumpiska bukod sa 15,789 bala at 1,185 iba pang uri ng armas.

Base pa rin sa datos, pinakamaraming naarestong gun ban violators sa Metro Manila sa bilang na 1,171, kasunod sa Calabarzon (354), Central Visayas (338), Central Luzon (303) at Western Visayas.

Una naman inanunsiyo ng PNP na kumpara sa mga halalan noong 2010 at 2016, pinakamababa ang 20 validated election related incidents ang naitala nitong nakalipas na halalan.

TAGS: comelec, Gun ban, Radyo Inquirer, comelec, Gun ban, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.