Niyanig ng magnitude 2.8 na lindol ang Calubian, Leyte kaninang 5:24 ng umaga, Mayo 17.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 9 kilometers.
Naramdaman ang Intensity II sa Calubian, Leyte at sa Naval, Biliran.
Ayon sa Phivolcs, wala namang aftershocks na naitala matapos ang lindol.
Wala ring naiulat na nasirang ari-arian o nasugatan matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.