Navotas, hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 – OCTA
May isang lugar sa National Capital Region (NCR) na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na walang bagong COVID-19 case sa Navotas City.
Umabot naman sa 86 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa buong Metro Manila noong Linggo, Mayo 15.
Sa nasabing bilang, may 16 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa Manila, habang tig-10 sa Pasig at Quezon City.
Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Parañaque City (9)
– Caloocan City (6)
– Makati City (5)
– Taguig City (4)
– Las Piñas City (4)
– Mandaluyong City (3)
– Muntinlupa City (3)
– Marikina (2)
– Valenzuela City (2)
– Malabon (1)
– San Juan (1)
– Pateros (1)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.