Sen. Leila de Lima haharap muli sa Muntinlupa trial court

By Jan Escosio May 13, 2022 - 09:20 AM

Inaasahan ang pagdalo muli ni Senator Leila de Lima sa pagdinig ng kanyang drug case sa isang korte sa Muntinlupa City ngayon araw.

Sa pagdinig  sa Regional Trial Court Branch, inaasahan na haharap bilang testigo si Ronnie Dayan, ang dating driver – security ni de Lima noong ito ay kalihim pa lamang ng Department of Justice.

Didepensahan ni Dayan ang kanyang sarili.

Noong nakaraang Mayo 6, naghain si de Lima sa korte ng Manifestation and Omnibus Motion para sa agarang pagbasura ng mga kaso, pagpapalaya sa kanya  at para makapag-piyansa.

Kasunod ito nang pag-amin nina Kerwin Espinosa at dating NBI Deputy Dir. Rafael Ragos na gawa-gawa lamang nila ang ibinigay nilang testimoniya laban sa senadora.

Wala pang desisyon ang korte sa mga hirit ni de Lima.

TAGS: leila de lima, Muntinlupa trial court, news, Radyo Inquier, leila de lima, Muntinlupa trial court, news, Radyo Inquier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.