Pangulong Duterte: Walang naging dayaan sa eleksyon pero isyu sa VCMs dapat silipin

By Chona Yu May 12, 2022 - 12:19 PM

Nakakatiyak si Pangulong Duterte na walang naganap na dayaan sa nakalipas na eleksyon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi niya rin naman hahayaan na magkaroon ng dayaan sa eleksyon.

“Wala akong nakita sa totoo lang at hindi ako papayag. Pero ganoon pa lang, just to satisfy the doubts of a few of them para maimbestigahan ang results, ibigay sa tao kung ano ang nangyari,” aniya.

Ang tinutukoy nito ay ang mga isyu at kapalpakan sa vote counting machines (VCMs) kayat hinimok niya ang Comelec na magsagawa ng imbestigasyon.

“Sabi nila na nasira na hindi nakabasa ng vote. I hope that Comelec will also find time to investigate, just to disabuse the minds of those na may dayaan,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Una nang inihayag ng Comelec na 1,800 VCMs ang nagka-aberya noong araw ng botohan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.