Partylist system pinatutuldukan ni Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon

By Chona Yu May 12, 2022 - 11:37 AM

Ipinanawagan n ani Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon ang pagsusulong sa Charter change o pag-amyenda sa Saligang Batas.

At aniya ang dapat din unang gawin ay buwagin ang partylist system sa bansa sa katuwiran na naaabuso lamang ito ng mga makakaliwang grupo.

Katuwiran naman niya sa agarang pagsusulong ng Cha-cha, makakabuti na agad itong simulant upang hindi mapagdudahan na ang tanging layon ay ang pagpapalawig ng termino.

Hindi nagtagumpay si Pangulong Duterte sa pagsusulong niya ng pag-amyenda sa Saligang Batas ng bansa.

“Kaya itong pary-list, kailangan alisin na ito ng ano. Si — kung sinong ma-presidente, presidente ngayon papasok, it would be as good as any other time to initiate whether to convert Congress into a constituent body or magtawag ng Constitutional Convention but which is very expensive to do,” aniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.