Sen. Go inayudahan ang transport workers sa Valencia, Bukidnon

By Chona Yu May 11, 2022 - 04:41 PM

Sa kanyang patuloy na paghimok sa publiko na suportahan ang national vaccination program ng pamahalaan, nananatiling tapat si Senador Christopher “Bong” Go sa pagtulong sa mga komudidad na lubos na naapektuhan ng pandemya para muling makabangon lalo na ang mga ordinaryong manggagawa, gaya ng mga nasa public transport sector.

Sa kanyang video message sa relief operation ng kanyang team para sa public transport workers sa Valencia City, Bukidnon, umapela si Go sa kanila na tiyakin ang kaligtasan ng mga commuter sa pamamagitan ng umiiral na health protocols. Hinimok din niya ang mga ito na magpabakuna at magpa-booster upang maprotektahan ang kanilang mga sarili at kanilang mga pasahero laban sa COVID-19.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health and Demography, naniniwala si Go na “there is light at the end of the tunnel” kung mananatiling disiplinado ang mga Filipino at tatalima sa mga itinakdang health at safety laban sa COVID-19.

“Magtulungan lang tayo. Sino lang ba ang magtutulungan kung ‘di kapwa nating Pilipino. Kung nasa priority list na kayo, pakiusap lang magpabakuna na kayo. Ang bakuna ang susi o solusyon para unti-unti tayong makabalik sa normal nating pamumuhay gaya noon. Pakiusap lang namin, disiplina at kooperasyon lang,” saad ni Go.

Isinagawa ang relief operation sa Valencia City gymnasium kung saan hinati ng staff ni Go sa mas maliliit na grupo ang 450 beneficiaries na binubuo ng habal-habal at tricycle drivers para sa pamamahagi ng masks at mga pagkain. Nagbigay din ang team ng mga bisikleta, computer tablets at mga bagong pares ng sapatos sa mga piling indibidwal.

Pinayuhan din ni Go ang mga benepisyaryo, partikular ang mga may karamdaman, na bumisita sa Malasakit Center sa Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag kung saan maari nilang mapakinabangan ang medical assistance ng pamahalaan.

“Ang Malasakit Center po ay para sa mga poor and indigent patients. Tutulungan ho kayo ng Malasakit Center at wala pong pinipiling pasyente ang Malasakit Center. Ang Malasakit Center ay para po sa Pilipino,” pagtitiyak ni Go.

Sa ngayon, mayroon nang 151 Malasakit Centers sa buong bansa.

TAGS: BongGo, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BongGo, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.