Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 518 milyon
Pumalo na sa 513.59 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 518,566,678 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 83,778,760 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,110,586 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,594,388 naman ang kaso sa Brazil habang 29,021,224 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 25,490,156
– United Kingdom – 22,144,628
– Russia – 18,237,227
– South Korea – 17,658,794
– Italy – 16,872,618
– Turkey – 15,046,779
– Spain – 12,058,888
– Vietnam – 10,681,214
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,280,390 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 473,453,106 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.