Ilang senatorial candidate, nakaboto na rin

By Angellic Jordan May 09, 2022 - 04:32 PM

Nakaboto na ang ilang kumakandidato sa pagka-senador sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Isa sa mga unang bumoto si Antique Rep. Loren Legarda sa Mag-aba Elementary School sa bayan ng Pandan.

Sa CABEZA Elementary School sa bayan ng Laoag, Ilocos Norte naman bumoto si Sen. Imee Marcos.

Simula namang 8:10 ng umaga, pumila si reelectionist Senator Risa Hontiveros sa North Susana Quezon City.

Natapos siyang bumoto bandang 10:15 ng umaga.

Sa bayan naman ng Bocaue, Bulacan bumoto si Sen. Joel Villanueva sa bahagi ng Bunlo Elementary School.

Pumila rin at walang special treatment nang bumoto si Sen. Sherwin Gatchalian sa Canumay West Valenzuela City.

Katulad ni Gatchalian, pumila rin si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano para makaboto sa Cipriano Sta. Teresa Elementary School sa Barangay Bagumbayan.

Mahigit 2.5 oras siyang naghintay sa pila bago nakaboto.

Narito ang pahayag ni Cayetano sa mga mamamayang Filipino:

Samantala, umuwi naman si reelectionist Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri sa Maramag, Bukidnon para bumoto sa Precinct 79A sa bahagi ng Barangay San Miguel.

“Good luck to all of us candidates and I pray for a peaceful and honest election. Peace everyone!,” saad ni Zubiri.

Inaasahang boboto na rin ang iba pang senatorial candidate sa kani-kanilang probinsya.

TAGS: 2022elections, 2022polls, AlanPeterCayetano, ImeeMarcos, InquirerNews, JoelVillanueva, JuanMiguelZubiri, LorenLegarda, RadyoInquirerNews, RisaHontiveros, SherwinGatchalian, 2022elections, 2022polls, AlanPeterCayetano, ImeeMarcos, InquirerNews, JoelVillanueva, JuanMiguelZubiri, LorenLegarda, RadyoInquirerNews, RisaHontiveros, SherwinGatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.