WATCH: Ping Lacson, nakaboto na

By Angellic Jordan, Jan Escosio May 09, 2022 - 08:30 AM

Kuha ni Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line

Maagang bumoto si Presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson sa Imus, Cavite.

Bumoto si Lacson sa Bayang Luma 1 Elementary School isang oras matapos buksan ang botohan para sa 2022 elections.

Aniya, hindi siya kinakabahan sa magiging resulta ng halalan.

“Sabi ko nga, dalawa lang ang pwedeng puntahan. Pwedeng pumunta ka ng Malakanyang o umuwi ka ng bahay. Kapag umuwi ka ng bahay, e di masaya buhay mo dahil tahimik ang buhay,” saad nito.

Dagdag nito, “I feel fulfilled. Ginawa ko naman ang trabaho ko.”

Ipinagmamalaki aniya niya na sa buong panahon ng kaniyang pagsisilbi bilang public servant, hindi siya tumanggap ng suhol.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Lacson:

Matatandaang sa Cavite rin sinimulan ni Lacson ang kaniyang karera sa pagka-pangulo noong Pebrero.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, BumotoKa, InquirerNews, NLE2022, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson, RadyoInquirerNews, VoteSAFEPilipinas, #VotePH, 2022elections, 2022polls, BumotoKa, InquirerNews, NLE2022, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson, RadyoInquirerNews, VoteSAFEPilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.