PNP, kinumpirma ang 16 election-related incidents

By Angellic Jordan May 08, 2022 - 02:58 PM

Screengrab from PNP’s Facebook video

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroong 16 election-related incidents sa bansa, isang araw bago ang 2022 National and Local Elections sa Lunes, Mayo 9.

Sa isang press conference, sinabi ni Police Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, na kabilang sa nasabing datos ang insidente ng pamamaril sa Magsingal, Ilocos Sur noong Sabado.

“If we compare ‘yung mga validated election-related incidents natin sa 2016 and 2019 elections ay masasabi natin na mas mababa itong 16, so far, na insidenteng naitala natin,” saad nito.

Ipinunto ni Fajardo na nakapagtala ng 133 validated election-related incidents noong 2016, habang 60 naman noong 2019.

Aniya, umabot sa 63 ang napaulat na insidente simula Enero 9 hanggang Mayo 8. Mula rito, 41 insidente ang itinuturing bilang non-election related incidents, kung saan anim naman ang hinihinalang may koneksyon sa halalan.

Samantala, sinabi ni Fajardo na 3,081 indibiduwal ang naaresto habang 2,359 armas ang nakumpiska bunsod ng umiiral na election gun ban.

“In terms of doon sa nahuli natin sa gun ban violators pati ‘yung confiscated firearms, kung ikukumpara natin noong 2019 and 2016 [elections], more than 50 percent ang naibaba doon sa mga naaresto natin at more or less 35 percent din ang ibinaba kung ikukumpara natin noong 2016,” ani Fajardo.

Magandang numero at indikasyon aniya ito na naging maayos ang preparasyon ng pambansang pulisya sa halalan simula pa noong nakaraang taon.

TAGS: 2022elections, 2022polls, Election gun ban, Election related incidents, InquirerNews, Jean Fajardo, PNP, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, Election gun ban, Election related incidents, InquirerNews, Jean Fajardo, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.