Staff ni Sen. Risa Hontiveros binuweltahan si Pharmally lawyer Ferdinand Topacio

By Jan Escosio May 07, 2022 - 10:41 PM

Naglabas ng pahayag si Attorney Jaye dela Cruz – Bekema, ang chief legislative officer ni Senator Risa Hontiveros, ukol sa naging pahayag ni Attorney Ferdinand Topacio,

Ayon kay dela Cruz – Bekema ang naging pahayag ni Topacio ay pagtatangka lang na siraan si Hontiveros, na kabilang sa mga kumakandidato sa pagka-senador.

Aniya si Mark Clarence Manalo, isang dating staff ng Pharmally Pharmaceutical, na nasasangkot sa ‘COVID 19 essentials scandal,’ ang lumapit sa kanila at nagsabi na mayroon itong ‘proposal.’

“Mayroon akong patunay na may isang nagngangalang Clarence na nag-message sa akin noong February 17 tungkol sap ag-desist sa kaso. Hindi ko ito pinatulan at nag-text pa siya ng follow-up in all caps,” sabi ni dela Cruz- Bekema.

Dagdag pa niya na noong mg panahon na iyon ay kabuwanan na niya ng panganganak kayat imposible na makapag-isip pa siya ng anuman laban sa isang testigo.

“Kung ako ang namimilit, bakit sila ang nangungulit?’ tanong pa nito at sinabi pang; “Hindi magpapaloko ang mga mamamayan kay Mr. Topacio. The people will not be fooled by his clownery, not today or ever.”

Nabanggit pa nito na may ‘screenshots’ siya ng pagpapalitan nila ng text messages ni Manalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.