Mayor ng Mariveles, Bataan sumugod sa ‘vote buying centers’
Sinugod ni Mariveles Mayor Jocelyn sephine Castañeda ang ilang lugar sa kanilang bayan dahil sa nangyayaring diumano’y vote buying at viral na ito sa social media.
Bagamat tanging Balikatan cards ang nabawi, sinabi ni Castañeda na ito ang gagamitin para makuha ang diumano’y pera na magmumula sa kanyang kalaban na si AJ Concepcion.
Kayat hiniling na ni Castañeda sa Commission on Elections (Comelec) na agad imbestigahan ang mga hinihinala niyang pamimili ng boto.
Binanggit pa nito ang nakasaad sa Omnibus Election Code, partikular sa Article XXII; Vote Buying and Vote Selling; Any person who gives, offers, or promises money or anything of value, gives or promises of any office or employment, franchises or grants, public or private, makes or offers to make an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any person etc.”
Pinag-aaralan na ni Castañeda ang pagsasampa ng pormal na reklamo laban sa mga hinihinala niyang sangkot sa diumano’y vote buying.
Nabanggit pa nito na kamakailan, gamit ang bus ay naghakot ng mga tao ang mga lider ni Concepcion at dinala sa convention, kung saan aniya maaring bahagi ito ng iniisip niyang pamimili ng boto.
Mariin naman ang pagtanggi ng kampo ni Concepcion sa alegasyon na namimili sila ng boto para manalo sa eleksyon sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.