Halos 1,000 pulis, nakatalaga para sa miting de avance ni Moreno sa Maynila

By Chona Yu May 07, 2022 - 04:13 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Aabot sa halos 1,000 pulis ang nakakalat sa Moriones Plaza sa Tondo, Manila para sa miting de avance ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno.

Ayon kay Lt. Colonel Harry Lorenzo, ang Station 2 commander ng Manila Police District, galing sa MPD Station 1 at 2 ang mga pulis na magbabantay sa pagpupulong.

Maximum tolerance aniya ang ipatutupad ng mga pulis.

Pinapayuhan ni Lorenzo ang mga motorista na iwasan na munang dumaan sa bahagi ng Moriones dahil sa sarado ang ilang kalsada.

Nagbabala naman si Lt. Colonel Cenon Vargas, ang MPD station 1 commander, may kalalagyan ang mga mandurukot at iba pang masasamang loob na magsasamantala sa miting de avance.

Tiyak aniya na kalaboso ang mga ito.

Pakiusap pa ni Vargas sa publilo, mag-ingat at maging responsable.

TAGS: 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, MitingdeAvance, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, MitingdeAvance, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.