Task Force Kontra Bigay ng Comelec, iimbestigahan ang 10 reklamo ng vote-buying
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Task Force Kontra Bigay ng Commission on Elections (Comelec) ukol sa 10 reklamo ng vote-buying sa 2022 National and Local Elections.
Sinabi ng task force na patuloy pa rin silang nakakatanggap ng mga ulat at reklamo ng vote-buying sa kanilang opisyal na email address at Facebook page.
Katuwang ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE), may isang posibleng maisampang kaso dahil nag-execute na ng affidavit at nagsumite na ng mga ebidensya ang complainant.
Hinikayat naman ng task force ang publiko na maliban sa pagre-report ng mga insidente ng vote-buying o vote-selling, aktibo ring makipag-ugnayan sa isasagawang imbestigasyon sa pamamagitan ng pag-execute ng affidavit at pagsumite ng mga ebidensya.
Dagdag nito, magiging matagumpay ang pag-uusig sa mga kaso ng vote-buying at vote-selling hindi lamang dahil sa mga hakbang ng Comelec at mag katuwang na ahensya, kundi sa tulong din ng mamamayang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.