Laban sa Speakership sa Kamara tapos na ayon sa ilang Kongresista

By Isa Avendaño-Umali May 23, 2016 - 04:14 PM

BELMONTE-SONA/JULY 27, 2015 House Speaker Feliciano Belmonte reads the House report at the start of the morning session inside the Plenary Hall. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Inamin ng isang kongresista na taga-Liberal Party na natanggal na ang dala-dalang ‘political burden’ ng kanyang mga kaalyado matapos silang bigyang kalayaan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr na magpasya kung sasanib sa Majority o sa Minority sa 17th Congress.

Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, nagpakita si Belmonte ng statementship sa gitna ng pressure sa kanya bilang isa sa mga pinuno ng partido.

Sa halip aniya kasi na pilitin ni Belmonte ang mga kaalyado sa LP na manatili sa kanyang poder, hinayaan na nito ang iba na magdesisyon kung sino ang susuportahan.

Sa kabila nito, nilinaw ni Castelo na alam niya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Belmonte, lalo’t isinakripisyo nito ang hangarin na maging House Speaker muli.

Ang hakbang ni Belmonte ay gitna ng usapin hinggil sa papasok na speakership ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na personal na itinutulak ng Duterte administration.

Dahil sa desisyon ni Belmonte, inaasahang mabibigyan din ang committee chairmanship ang mga miyembro ng partido Liberal na sasali sa majority coalition at mabibiyayaan pa ang kani-kanilany distrito o grupo.

Batay sa huling bilang, hawak na ni Alvarez ang numero para sa speakership para sa 17th Congress samantalang ang matatalo ni Alvarez ay otomatikong magiging House Minority Leader.

TAGS: Alvarez, belmonte, Congress, liberal party, speakership, Alvarez, belmonte, Congress, liberal party, speakership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.