MRT-3, muling nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng commuters
Muling nahigitan ang pinakamataas na bilang ng pasaherong naserbisyuhan sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naserbisyuhan ang 345,268 na pasahero sa tren noong Miyerkules, May 4.
Bunsod pa rin ito ng ipinatupad na libreng sakay sa tren at pagpapatakbo ng maraming train set, 19 na 3-car CKD train set, at dalawang 4-car CKD train sets sa mainline tuwing peak hours.
Kaya nang makapagpasakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at 394 na pasahero kada train car.
Tatagal ang libreng sakay sa mga pasahero hanggang Mayo 30, 2022.
Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng pamunuan ng MRT-3 ng minimum public health and safety protocols sa buong rail line.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.