Inflation sa buwan ng Abril, tumaas sa 4.9 porsyento
Lalo panag tumaas ang inflation sa bansa sa buwan ng Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 4.9 porsyento ang inflation noong nakaraang buwan.
Mas mataas ito kumpara sa apat na porsyento na naitala noong Marso at 4.1 porsyento sa kaparehong buwan noong 2021.
Sinabi ng PSA na ito na ang pinakamabilis na pagtaas ng inflation simula noong Disyembre ng taong 2018, kung saan nakapagtala ng 5.2 porsyento.
Nabatid na kabilang sa mga naging sanhi ng pagtaas ng inflation sa buwan ng Abril ang pagsipa ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.